|
Post by General on Aug 15, 2008 22:01:34 GMT 8
U.H.A.W.
== UHAW (Union of Husbands Afraid of Wives) ==
When you say: "Ako ang tigas sa amin." You really mean: "Ako ang tigas-saing ng kanin at tigas-sundo sa eskuwela ng mga bata."
When you say: "Gagawin ko kahit ayaw ng misis ko." You really mean: "Gagawin kong maghugas ng pinggan kung ayaw niya, gagawin kong maglaba kung ayaw niya."
When you say: "Kapag ako napuno, magyayaya ako ng hiwalay!" You really mean: "Hiwalay ang puti sa de-kolor at baka kumupas ang labada."
When you say: "Lahat ng utos ko ay pasigaw." You really mean: "Hoy bilisan mo naman iyang kape at giniginaw na ako dito sa labahan!"
When you say: "Ako ang laging nasusunod!" You really mean: "Oo, dear susunod na ako sa iyo sa simbahan."
When you say: "Nakukuha ko siya sa isang salita!" You really mean: "Honey, huwag mo na akong batukan at masakit!"
When you say: "Inaabot siya sa akin ng mura!" You really mean: "'Ling naman, mura lang naman yung sapatos na bibilhin ko!"
When you say: "Nakukuha ko siya sa isang tingin!" You really mean: "Hon, patingin naman ng periodiko pagkatapos mong basahin."
When you say: "Kaya ko siyang paluhurin!" You really mean: "Hinabol ako ng walis at nagtago ako sa ilalim ng kama namin. Paluhod niyang sinabing 'Hoy lumabas ka riyan at tatamaan ka sa akin!'"
When you say: "Hindi niya ako kayang paglabahin!" You really mean: "Hindi puede kasi hindi pa ako tapos mamalantsa."
|
|